Tablet para sa mga bata, pangkain, at puhunan sagot na ni Erwin Tulfo

Local News

Bilang tulong, libreng mamimigay ang news anchor at broadcaster na si Erwin Tulfo, ng mga pangangailangan ng mga bata, senior citizens, at puhunan para sa negosyo, sa ilalim ng programang “Ayuda mo, sagot ko.”

“Need ng tablet ng bata? Gatas at diaper ni baby? Maintenance ng mga senior? Pangkain ng pamilya? Konting puhunan para sa maliit na tindahan? PERO KULANG O WALANG BUDGET??? No problem!!!” sabi nito sa isang facebook post, Martes ng gabi (Hulyo 21).

Base sa nasabing post, kailangan lamang i-text ng mga nais makatanggap ng ayuda ang kanilang pangalan, tirahan, at tulong na nais makuha sa mga numerong kaniyang ibinigay.

“ITEXT ang inyong PANGALAN, TIRAHAN, at wish na AYUDA sa 09954876795 (globe) o sa 09282658796 (smart),” ayon sa post.

Dagdag nito, may karagdagan pang isang libong piso at copper mask ang mga makikinig at manonood sa programa nitong Tutok Tulfo.

Sa huling bahagi ng post ay nakasaad din na bukod kay Tulfo, ang mga tulong na ihahatid ay handog din ng ACT-CIS Partylist at ng JC Premiere.