Tatay, Nagdiwang ng birthday na Mag-isa sa Fastfood; Mga Nakasaksi ay Nalungkot sa Nakitang Eksena.

Local News

Noong tayo ay bata palamang kasa kasama natin ang ating magulang sa ating kaarawan ngunit ngayong tayo ay tumatanda na tila bakit tayo nag iisa sa espesyal na araw sa ating buhay.

Sa post ng isang netizen na si Trixie Ann nakunan ang pagdiwang ng kaarawan ng isang lalaki sa loob ng fastfood na nag-iisa. Kanyang ibinahagi ito sa social media at marami sa mga nakabasa ng kanyang post ang naantig sa kaarawan ni Tatay. Makikita sa mesa ang isang cake na may sinding kandila at isang order ng pagkain habang nagpapakuha ng larawan si Tatay.

Kinausap niya rin ang kaniyang pamilya sa cellphone habang ipinakikita sa kanila ang kaniyang simpleng handa.Sa mga larawang ibinahagi ni Trixie, makikita si Tatay na nakaporma at bakas din sa kaniyang mukha ang kasiyahan, kahit pa mag-isa lamang siya. “Habang ipinapakita ni Tatay ang kanyang handa sa kanyang asawa’t mga anak sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono hindi ko alam kung anong lungkot ang bumabalot sa aking puso,” ayon pa sa netizen. “Sobra akong nalungkot nang makita namin si Tatay sa isang fast food chain. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sapagkat ngayon lamang ako naka-saksi ng ganitong uri ng pangyayari sa buong buhay ko,” bahagi ng netizen.

“Akala ko sa mga drama lang nangyayare ito pero hindi! Sine-celebrate ni Tatay ang kanyang ika-69 taon nang mag-isa at walang kasama,” wika ni Trixie. “Habang ipinapakita ni Tatay ang kanyang handa sa kanyang asawa’t mga anak sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono hindi ko alam kung anong lungkot ang bumabalot sa aking puso,” ayon pa sa netizen. Kaagad namang umani ng pagbati si Tatay mula sa mga social media users na nadurog ang puso sa kaniyang kuwento.