Tindera ng Pandesal, bentang benta sa mga suki niya dahil agaw pansin ang kanyang husay sa pagkanta.

Local News
Trending ngayon ang post ng isang Facebook user na si Jayson Kua A Samia mula Ilaya, Alabang dahil sa talento ng isang tindera ng pandesal na tinagurian niyang si “Pandesal Girl”
Ayon sa post ni Jayson, bumili sila ng inaalok na pandesal ng tinderang kinilala bilang si Ate Eva, ngunit bukod sa natanggap na mainit na pandesal ay pinaunlakan din sila nito ng isang makabagbag-damdaming awitin.

 

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook

 

Gamit ang kantang “Where do broken hearts go” na pinasikat ni Whitney Houston. Ipinamalas ni Ate Eva ang kanyang husay sa pag-awit na kinabiliban naman ng grupo ni Jayson.
Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook

 

Mabilis na kumalat ang post na ito na sa ngayon ay may 1.5k reactions, 880 shares, 195 comments at mahigit 33k views.
Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook

 

Lubos din ang paghanga ng mga taga-Alabang kung saan tila maraming nakakakilala sa mahusay na tindera.
Ayon pa sa isang komento na nagpakilalang kapitbahay ni Eva, ang nasabing talentadong tindera daw ay dating propesyonal na nagtatrabaho sa isang kilalang bangko ngunit mas pinili ang pagtitinda ng pandesal.
Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook

 

Dagdag pa nito, bukod sa talentong taglay ni Eva ay isa rin siyang simple at mapagkumbabang tao.
Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook

 

Patuloy naman ang pagbilib ng ilang mga netizens sa husay ni Pandesal Girl at pag tulak ng ilan sa mga ito na sana’y sumali siya sa isang sikat na patimpalak upang mas makilala at maipamalas ang kanyang galing.
Hinding hindi matatawaran ang galing ng mga pinoy pagdating sa kantahan. At sadyang natatangi ang magkaroon ng ganitong talento, kaakibat ng pagiging simple, mabait at masipag na taong kagaya na lang ni Ate Eva.
Nawa’y mas marami pa siyang maging suki na mapangiti sa tulong ng kanyang pag-awit at panindang pandesal.
Narito ang ilang komento ng mga netizens sa naturang post:

 

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook
Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook