Tingnan ang nakakaawang kalagayan nya!

Local News

Ang mga kapatid ni Mylene Gamal ay humihingi ng tulong para matugunan ang medical na pangangailangan at marugtungan pa daw ang buhay nito.

Ayon sa post ni Abegail Ochoa noong Pebrero 13, 2020, noong una lang ay lamang ang iniinda ni Mylene pero makalipas ang buwan ay lumala na ang kanyang nararamdaman at nagka-sinus na ito. nang magpacheck-up siya ay nirekomenda ng doktor na magpaCT-scan siya. Nakita sa reulta na may tatlo siyang bukol sa loob ng kanyang ulo. Nakalipas ang dalawang linggo at bigla na lang nawala ang kanyang paningin.

Ang pamilya ni Mylene ay nahihirapan gaya ng paghihirap ng nararamdaman niya. Noong unang naconfine si Mylene ay malaki daw ang kanyang hospital bill at gamot para sa kanyang nararamdaman. Kaya naman kinailangang ibinenta ng pamilya ni Mylene ang tricycle ng kanilang ama na siyang ikinabubuhay nila. Ngunit kulang pa din para mabayaran ang kanilang bills at pangbili ng gamot ni Mylene kaya nangutang sila sa kanilang kamag-anak.

Talaga namang nakakaawa ang sitwasyon ng kanyang pamilya lalo na si Mylene. Narito ang original post ni Abegail Ochoa na mayroong Gcash number. Sana po ay may tumulong sa kanila at nawa’y paghilumin ng Panginoong Maykapal ang karamdaman ni Mylene.

“Sa aming mga kaibigan at kamag-anak kme po ay may kababaang loob na lumalapit po sa inyong may mabubuting puso at kalooban upang humingi ng konting tulong upang matugunan ang medical na pangangailangan ng aming kapatid na si Mylene Gamal at para marugtungan pa ang kanyang buhay.Nuong una migraine lng ang iniinda nya pero after a month lumala ito at nagka sinus na xa.Nung pina check up namen xa rinekomenda ng doktor na ipa Ct-scan xa at gnwa naman namen.Lumabas po sa resulta na may tatlong bukol sa loob ng ulo nya. Hanggang mag dlwang linggo bgla nalang po na hindi na sya makakita dahil daw po sa bukol sa. Knyang ulo.ang kanyang karamdaman na nagpapahirap po sa kanya at maging sa amin lalo na po sa financial na problema. Nuong una po syang na confine malaki po ang nagastos namen sa hospital bill at gamot nya kaya kinailangan namen ibenta ang trycycle ng aming tatay na xang pinagkakabuhayan namen para mabayaran ang bills at mabili ang gamot nya kinulang pa po yun kaya umutang pa kme sa mga kamag anak namen. Hindi pa po kami tuluyang nakakabangon sa gastusin at sa mga utang noong una nyang pagsugod sa hospital. Hirap na po kami na lumapit sa mga aming nalapitan nung una. Wala na po kaming ibang malapitan. Kami po ay humihingi ng awa sa inyo na sana kami po ay inyong matulungan. Nagpapasalamat po ako sa inyo na sa maiibigay nyo na tulong na kahit sa maliit na halaga ay malaking tulong at ginhawa na po na maidudulot sa amin upang maibsan ang mga alalahanin. Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa inyo. ”