Valentine Rosales inalalang natipuhan umano ni Dacera ang basketball player sa room 2207

Local News

Mula sa kuha ng CCTV ay makikitang ilang uli nagpabalik balik ang flight attendant na si Christine Dacera sa Room 2207 ng City Garden Hotel.

Ang Room 2207 ay ang malapit na kwarto sa Room 2209 kung saan naman naka check in sina Dacera at mga kaibigan nito para sa kanilang New Year’s Eve party.

Kasama ni Dacera ang 11 na mga kaibigan na umano’y gay ang sexuality mula gabi ng December 31 hanggang January 1.

Marami ang nagtatanong kung bakit pabalik-balik si Dacera sa Room 2207.

Sa isang panayam ni Boy Abunda, tila sinagot ni Valentine Rosales ang nasabing katanungan. Si Rosales ay isa sa mga kaibigan ng flight attendant na kasama nito sa party.

“I don’t want to confirm anything, but I remember Tin telling to me na there’s someone handsome in Room 2207. One guy,” ani Rosales

Nang tanungin naman si Rosales kung sa tingin niya ay straight ang lalaking natipuhan ng kaibigan, “I actually looked at him. He doesn’t look straight.” saad niya

“Kasi sometimes if you see someone, hindi mo malalaman kung straight or not.

“Since they’re all gays, I assumed he’s also gay.”

Ngunit sinabi din ni Rosales na iginiit pa daw ni Dacera na hindi gay ang lalaking tinutukoy nito.

“Tin told me that he was a basketball player. She said, ‘Hindi iyan gay, basketball player iyan.’

“Then I said, ‘Oh… I’m not sure, because he looks…'” saad ni Rosales

Aniya pa, di nalang niya gaanong pinansin sa basketball player na itinuturo ni Dacera mula sa Room 2207.

“So I just shrugged it off and then I said, ‘Okay, I’ll just go back to the other room.'” aniya

Samantala, kinilala ang basketball player na si Justin Rieta na isa umano sa mga bisita sa nasabing kwarto.

Ayon pa sa mga ulat, humarap na sa National Bureau of Investigation si Rieta noong January 13, ngunit itinanggi nito na kilala niya si Dacera.

Gayunpaman, handa pa rin daw makipag tulangan ang basketball player sa imbestigasyon upang maresolba ang kaso.