VIRAL | Babaeng karga ang kaniyang sanggol, inaambahang saktan ng kaniyang mister

Local News
Ang pag aasawa ay masayang yugto ng ating buhay dahil bubuo tayo ng masayang pamilya, bawat isa saatin ay pinapangarap makabuo ng masaya at masaganang pamumuhay at mabigyan ng kinabukasan ang ating anak at mapalaki ng maayos at may takot sa diyos.

Ngunit hindi lahat ng nag aasawa ay nagiging masaya tulad nalang ibinahagi ni Trisha Salome sa kaniyang social media kung sinabi niya na matagal na siyang sinasaktan ng kaniyang asawa at tinitiis niya lang ito para sa kaniyang panganay na anak at sakaniyang bunsong anak.

Sinabi ni Trisha sa kaning post, Buhat buhat ko yung anak namen tapos sasaktan  daw nya ko sa puson kahit umiiyak na ang anak namin, at habang umiiyak kung ano ano pinag sasabi mo. Matagal na kung nag titimpis sa pananakit mo sakin kahit panganay na anak ko pinatulan mo.

Ibobroad cast natin yung buhay na pinaparanas mo sakin! pag katapos kitang piliin sa asawa at pamilya ko! gagawin mo lang impyerno buhay naming mag ina!!, Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo saming mag ina dahil tapos na lahat ang mga paulit ulit mong pananakit saamin.

Harapin mo ang mga kasalanang ginawa mo saamin, ayokong lumaki ang aking anak na may trauma dahil sa ginawa mo tiniis ko lahat kase mahal pa kita baka mag bago ka pero wala mas gusto mong saktan ako at anak ko.

Dahil sa ginawa mo ipopost ko ang ginawa mo saakin upang malaman ng lahat ang mga ginagawa mong pananakit saamin. Dagdag pa ni Trisha sa kaniyang post bago bumuo ng pamilya kilalanin mabuti ang ugali ng papakasalan mo dahil ito na ang makakasama mo at bubuo ng masayang pamilya, wag kayo matakot mag sumbong sa iniyong magulang kung minamaltrato na kayo ng iniyong kinakasama.