VIRAL| Estudyanteng wala nang makain, humingi ng tulong sa guro

Local News

Naantig ang mga netizens sa Facebook post ng isang guro kung saan ibinahagi niya ang paghingi ng tulong ng isa sa kanyang mga estudyante.Sa post ni Ethan Adrew Calla, ikinuwento niya ang isang estudyante na naglakas-loob nang humingi ng tulong sa kanya dahil wala na itong maipambili ng pagkain.

Wala na raw itong natirang suweldo kung kaya’t wala na rin gpambili ng pagkain para sa kanila ng kapatid at ama na mahina na rin ang katawan.Wala na ring trabaho ang ama kung kaya’t namamasukan na lang ito ng part-time job na wala rin namang kasiguraduhan.

Naawa ang guro kung kaya’t nagpasya siyang ipamili na lang ng groceries ang estudyante para may maiuwi ito para sa pamilya.Ibinigay niya ito nang magkita sila at labis naman ang pasasalamat ng estudyante.Sa kanyang post, sinabi ni Sir Ethan na lumalambot ang puso niya sa mga ganitong sitwasyon kung kaya’t ginagawan niya ng paraan na makatulong siya kahit paano.

Everytime na nakakatanggap ako ng msg from my students like this, sobrang lumalambot ang puso ko. Yes, hindi natin sila obligasyon and they’re not requiring us to help them all the time, pero there are instances na talagang lalapitan ka nila kasi alam nilang matutulungan mo sila. And without any hesitations, talagang pinapaabot ko kung ano man ang makakaya ko.“

Aniya, mapalad siya sa kalagayan niya sa buhay na nakakaraos naman sa araw-araw.“I am lucky enough to eat 3 times a day, minsan pa nga more than that, but this kind of students needs more care, love and understanding. Kapag nalaman mo ang kwento nila, sobra tayong napapamangha sa katatagang meron sila sa murang edad. Kaya sana matulungan pa natin sila lalo na ngayong may pandemya.“

Nilinaw din niya na hindi siya nag-post para magpasikat. nais lamang niya na magdulot ng awareness sa mga kapwa niya guro at sa ibang tao.“I’m not posting this for fame or what, I’m posting this to raise awareness especially sa mga kapwa ko guro and also sa ibang tao na we can extend our hands/help for them. We are living in one sky, so please share your blessings.“

Sa huli, pinaalalahanan niya nag lahat na may kakayahan tayong magbigay ng tulong sa ating kapwa sa kahit na simpleng paraan.“Remember, no one is useless in this world who lightens the burdens of another, there is no exercise better for the heart than reaching down and lifting people up. When we give cheerfully and accept gratefully, everyone is blessed.“