VIRAL| NATIONAL ID, hindi umano tinatanggap sa bangko dahil hindi umano ito otorisado

Local News

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang post ng netizen na si Billy Daraman Basea matapos ibahagi ang kaniyang karanasan, matapos hindi tanggapin ng nasabing bangko ang kaniyang “NATIONAL ID”. saad niya “dismayodo lng po ako; kng bakit tinawag patong NATIONAL ID kng wla din nmn plang silbi. Ayaw tanggapin sa bangko, remittance centers atbp! Wla daw kasing signature!”

Samantala ang kaniyang ID umano mula sa National ID mula sa Taiwan na gamit pa nito 12years na ay walang problemang nagagamit nito dito sa Pilipinas. saad pa nito “Yung ARC ko po sa taiwan 12 years kng ginagamit same lng ng features halos sa National ID natin walng signature pro nagagamit po dun sa mga legal purposes. Papasaan at anong silbi ng mukha, thumbmark at me pasilipsilip pa sa mata e kng sa simpling pagagamitan dnaman pwede”

Dahil sa kaniyang post ay may ilan-ilang mga kumento rin mula sa mga netizen ang sumang ayon sa kaniyang post dahil maging ang ilang mga kababayan Pinoy ay nakaranas rin ng ganitong pangyayari na kung saan hindi nagagamit ang national id. kapag ito’y gagamitin sa mga pampublikong dokumento.

Marami tuloy ang nadismaya dahil sa ganitong pangyayari dahil dag-dag pa ng netizen na si Billy, “Hindi madali ang pumila para lamang makakuha ng national id. tapos hindi lang pala magagamit.