Viral ngayon ang helicopter na in-unbox ni Kuya Willi

Local News

Masayang ipinakita ni Willie Revillame ang kanyang bagong helicopter na kanyang nabili bilang regalo sa kanyang sarili.

Aniya, gagamitin niya rin ito para sa pagtulong sakaling kailanganin kagaya na lamang ng maghatid siya ng tulong sa ilang mga nasalanta ng sakuna.

Isang litrato ang hawak ni Willie kung saan ipinapakita niya ang kanyang helicopters. Mababasa rin dito ang kanyang buong pangalan na may katagang “Captain.”

Matatandaang noong July 2019 ibinahagi ni Willie na nag-aaral siya magpalipad ng helicopter at nitong December 2020 ay nakuha na niya ang kanyang lisensya bilang isang piloto.

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.

Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.

Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat

umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.