Vlogger, Bumili ng Property Para Makapagbigay Trabaho sa mga Pinoy

Local News

Ipinasilip ng vlogger na si Basel Manadil ang nabili niyang bagong property para sa kanyang bubuksang online shop
Gagawin niya itong Korean store na ekslusibo lamang sa kanyang mga magiging resellers at mga bibili online.

Sa ganitong paraan, marami muli siyang mga kababayang Pilipino na mabibigyan ng hanapbuhay. Maganda kasi umano ang dagsa ng tao sa kanyang bagong bukas na Korean store ang Yeoboseyo.

Hinangaan na naman ang vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer dahil sa pagbili niya ng property na ang layunin ay upang makapagbigay pa ng trabaho sa mga kababayang Pinoy.

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si ‘The Hungry Syrian Wanderer’ ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.