Vlogger, Nag-Alok ng Pera sa Matandang Tindero ng Gulay Kapalit ang Paghalik sa Kanyang Paa

Local News

Isang vlogger ang nag-alok ng pera sa isang tindero kapalit ang paghalik sa kanyang paa.

Sa isang video ay makikita ang isang vlogger na lumapit sa isang matandang tindero upang alukin ito ng pera.

Ngunit bago niya bigyan ng pera ang matanda ay kailangan umanong halikan ng matanda ang paa ng vlogger.

Ang nasabing matandang tindero ay si Tatay Danilo na nagbebenta ng gulay.

Dahil sa hirap ng buhay ay pumayag si Tatay Danilo sa alok ng Vlogger na halikan ang paa nito kapalit ang pera.

Ayon sa vlogger ay bibigyan niya umano ito ng P3,000 ang matanda kapag hinalikan nito ang kanyang paa.

Matapos na alokin ng vlogger ang matanda ay ibinunyag na nito ang tunay niyang hangarin sa matanda dahil isa lang umano itong social experiment.

Ano ang masasabi niyo sa ginawang social experiment ng vlogger na ito sa isang matandang tindero ng gulay?

Narito ang naturang video,