Walang makakagalaw sa pera na ibinigay sa batang si Reymark dahil ilalagay umano ang kanyang perang natanggap sa isang trust fund at gagamitin lamang niya iyon kapag tuntong niya ng legal na edad.

Local News

Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang isang episode na naitampok sa programa ng Kapus0 Mo, Jessica Soho. marami ang naatig sa istorya ni Reymark, 10-anyos. Sa murang edad ni Reymark ay natutuhan na niyang magtrabaho sa pamamagitan ng pag-aararo ng ekta-ektaryang bukid kasama ang kanyang kabayo na matanda na.

Simula ng makul0ng ang kanyang ama ay si reymark na ang sumusuporta sa kanyang pamilya dahil iniwan na siya ng kanyang ina sa puder ng kanyang lolo at lola. Kaya naman, kahit na bata pa lang si Reymark ay pinilit niyang magtrabaho dahil kapag hindi umano siya kumilos ay wala silang kakainin.

Umiiyak na ibinahagi ni Reymark ang kanyang kwento. Marami naman ang nakaramdam ng awå kay Reymark kaya umabot na ng daan-daang libong piso ang natanggap ni Reymark.

Sa ikalawang episode ng kwento ni Reymark ay bumalik ang kanyang ina na labis namang hindi ikinatuwa ng mga netizens. Ayon sa mg anetizens, binalikan lamang si Reymark ng kanyang ina dahil sa perang natanggap nito.

Mariing itinanggi din ng ina ni Reymark na hindi pera ang dahilan ng kanyang pagbalik, “Hindi naman po ako naghahabol ng pera, ang importante ang mga anak ko, na mapakita ko sa mga anak ko na bumabawi ako sa mga pagkukulang ko.”

Mismong si Reymark naman ang nagtanggol sa kanyang ina. Napagdesisyunan na din ni Reyamrk na itabi muna ang kanyang pera sa isang trust fund at hindi niya muna ito gagalawin hanggang sa umabot na siya sa legal na edad.

Samantala, ang mga in-kind na tulong na natanggap ni Reymark ay ilalagay niya sa tindahan na binabalak nilang itayo.