Watch | Idol Raffy, Nagbiro na Baka Mawalan Siya ng Trabaho Nang Magbigay ang Kanyang Anak ng Tulong sa Matandang Mag-asawa!

Local News

Si Raffy Tulfo ay isa sa pinaka sikat na Yotuber at broadcast journalist sa ating bansa. Kinilala si “Idol Raffy” bilang “Hari ng Public Service” sa dami ng kanyang natulungan hindi lamang sa mga mamamayang Pilipino, pati na rin sa mga dayuhan na narito sa ating bansa. Nasa mahigit 20.8 million na ang kanyang mga subscribers sa Youtube Channel niya na “Raffy Tulfo in Acti0n.”

Hindi naman maikakaila ang mayamang pamilya ni Raffy Tulfo kaya naman, wala rin siyang sawa na tumulong sa ating mga kababayan na mas nangangailangan.

Katulad ni Idol Raffy, likas din sa kanyang anak na si Ralph Tulfo ang pagtulong sa iba. Kamakailan lamang ay nagbiro si Idol Raffy na baka mawalan siya ng trabaho dahil sa sobrang galante ng kanyang anak. Kaya naman kinakailangan niya umanong higitan kung ano ang naibibigay ng kanyang anak.

Ang napiling natulungan ni Ralph ay ang mag-asawang sina Regina at Gerry Alombro. Hindi na halos makapagsalita si Lola Regina dahil na-strôke umano ito habang ang kanyang asawa naman na si Lolo Gerry ay hindi na makarinig ng maayos.

Dahil dito, binigyan ni Ralph ng puhunan para sa panindang gulay ang mag-asawa. Naghandog din siya ng wheelchair para kay Lola Regina at kariton para naman sa paninda nila Lolo Gerry. Bukod pa rito ay nagbigay din si Ralph ng Php20,000 para sa pang-groceries ng mag-asawa at iba pang mga pang araw-araw na pangangailangan.

“Kailangan para hindi ako matalbugan, meron akong sinasagot,” pagbibiro naman ni Idol Raffy.

Kaya naman, sasagutin na ni Idol Raffy ang pagpapa-hearing aid ni Lolo Gerry upang makarinig na siya ng mas maayos lalo pa at naglalao sila ng mga paninda.

Tunay ngang “Like Father, Like Son”. Katulad ng mag-amang Tulfo, na parehong malambot ang mga pusö sa mga taong mas nangangailangan ng tulong. Saludo po kami sa inyo at sana ay marami pa po kayonmg matulungan.