Watch | Isang 8-Anyos na Batang Babae, Tumayong Ina sa Kanyang Apat na Kapatid!

Local News
Isa sa pinaka-nakakalungköt sa reyalidad na buhay ang lubhang kahiråpan na nararanasan ngayon ng maraming Pilipino na patuloy pang nadadagdagan dahil sa pand3myang ating kinakaharap. Marami pa sa ating mga kababayan ang hindi naaabutan ng tulong lalo na sa mga probinsya o malalayong lugar. Karamihan sa kanila ay hindi nakakakain ng wasto at walang nutrisyon ang pangangatawan.

Isang 8-anyos na batang babae naman ang tumayong ina sa kanyang apat na kapatid dahil ang kanyang ina ay mahinå at hindi makagalaw ng maayos, halos buto’t balat na rin siya dahil sa kawalan ng nutrisyon at wala din siyang makain.

Kaya naman, si Jenny na ang bumibili ng pagkain, nagtitimpla ng gatas ng bunsong kapatid, nag-iigib ng pampaligo para sa kanyang mga kapatid at iba pang mga gawain bahay.

Sa mura niyang edad ay dapat masaya siyang nakikipaglaro ibang mga bata katulad ng iba ngunit dahil siya ang panganay at may malubhang karamdam ang kanyang ina ay wala siyang pagpipilian kung hindi ang akuhin ang responsibilidad ng isang ina.

Si Jenny ay mula pa sa San Jose, Camarines Sur. Isang vlogger naman ang nagbigay sa pamilya ni Jenny ng tulong nang makita nitong nangungutang ang bata sa isang tindahan.

Aminado si Jenny na napapagod na siya kaya naman ang taging hiling niya ay gumaling ang kanyang ina. May mga netizens din ang nagpaabot ng tulong at sa kabutihang palad ay umaayos na ang kalagay ng ina ni Jenny. Kung dati ay nakaratay lamang siya sa kanyang higaan, ngayon ay nakakalakad na siya.