Watch | Kambal na Walang Paningin at Iniwan ng Kanilang Ina, Tinulungan ni Idol Raffy Tulfo!

Local News

Marami na ang natulungan ni Idol Raffy Tulfo, mula sa mga naaåpi hanggang sa mga taong salat sa buhay. Kilala si Idol Raffy bilang isang “Hari ng Public Service” dahil sa taglay nitong pagiging matulungin sa ating mga kababayan na talaga namang nangangailangan ng kanyang tulong. Mayroon ng 20 million subscribers ang kanyang Youtube Channel at talagang maraming naniniwala sa kabutihan ni Idol Raffy.

Kasama sa kanyang natulungan ay ang kambal na iniwan na ng kanilang sariling ina. Ang masaklåp pa rito ay pareho silang walang paningin. Tanging ang lola lamang nila ang gumagabay at sumusuporta sa kanila.
Ngunit dahil sa kahiråpan ay aminado ang lola nila na hindi ito sapat para sa kanila at nahihiråpan din ito na itaguyod sila. Ayon sa ulat, sumama umano ang ina ng kambal sa ibang lalaki. Pitong taong gulang pa lamang umano ang kambal.

Dahil dito, lumapit sila sa programa ni Idol Raffy upang humingi ng tulong at hindi naman sila binigo ni Idol Raffy dahil agad-agad ay nagpaabot na ito ng tulong para sa mag-lolola. Nagpadala ng P50,000 si Idol Raffy para sa kanila. Lubos naman ang kasiyahan ni Lola maging ang kambal.


Sa video ay mapapansin din ang mga ngiti sa labi ni Idol Raffy habang nakikipagkuwentuhan sa kambal. Sa likod ng mga ngiti ay nahahabag din ang damdamin ni Idol Raffy dahil sa awang nararamdaman niya para sa kambal. Sa huli ay pinaalalahanan pa ni Idol Raffy si Lola na bilhan ng manok ang kambal dahil ito ang hiling nila kay Idol.

Mabuhay ka, Idol Raffy! Salamat sa walang sawang tulong mo para sa mga nangangailangan at sa mga salat sa buhay. Isa kang tunay ng Idolo ng lahat.