Watch! Misis na tatlong beses ng nagloko pinatawad parin ni Mister!

Local News

Masakit para sa isang mister na lokohin siya ng kanyang asawa. Isa sa pinaka-malaking kasalanan sa mag-asawa ay pumatol sa iba at lokohin ang asawa.

Mula sa programa ng Raffy Tulfo in Action, ang mag-asawa na sina Jamen Paculanang at Jean Paculanang ay pinag-ayos ng nasabing programa. Ang pinagmulan ng pagtulong ng programa ay ang pangloloko ng misis na si Jean sa kanyang mister na si Jamen.

Ayon pa kay Jamen, pangatlong beses na itong ginagawa ng kanyang misis. Nakarating sila sa barangay hall para magkapirmahan na hindi na muli uulitin ni Jean ang kanyang nagawa sa asawa.

Kaya naman sa tulong ng programang ito, napag-ayos na muli ang mag-asawa. Pinatawad at tinanggap muli sa pangatlong pagkakatao si Jean alang-alang umano sa kanilang mga anak. Tinulungan ng programa na makapagsimula muli ang mag-asawa. Nag-abot ng pera si Idol Raffy para sa pang-bayad sa 3-buwan sa kanila tinitirahan, namili ng groceries at mga produkto na maaaring maibenta ng mag-asawa.

Hiling lamang ni Jamen na magbago ang kanyang misis at huwag na siyang lolokohin. Malaki ang pasasalamat ng mag-asawa sa tulong na inabot ni Idol Raffy Tulfo.