Watch | Mura, Labis na Naskatan Nang Malamang Binawian na ng Buhay ang Kaibigang si Mahal!

Local News

Binisita ni Virgelyncares 2.0 ang dating kalove-team ni Mahal na si Murå. Matatandaan na nagkita pa sila ilang linggo lamang ang nakakalipas nang bisitahin nina Mygz Molino at Mahal si Murå upang kamustahin ang kalagayan nito at magbigay ng tulong. Sa vlog na ibinahagi ni Mygz sa kanyang youtube channel ay makikita ang saya ng dalawang magkaibigan sa muli nilang pagkikita.

Bumuhos ang luha ni Murå sa pag-uusap nila ni Virgelyn dahil hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa kanyang matalik na kaibigan lalo na at nagkita pa sila at nagkasama pa sila sa muling pagkakataon. Agosto 31, 2021 nang makumpirmang wala na si Mahal ayon sa kapatid nitong si Irene Tesorero.

“Såkit kase eh,matagal kaming hindi nagkita. Tapos nagkita kami dito sa bahay ko, isang araw lang kinabukasan umuwi na sila ulit. Sabi pa nga non september babalikan pa nila ko para dadalin nila ako don,” umiiyak na ikinuwento ni Murå.

Naalala pa niya ang sinabi ni Mahal sa kanya sa huli nilang vlog na kung mawala man si Mahal ay kahit papaano ay nakatulong siya kay Murå.

Inalala din ni Murå ang mga show nila dati sa ibang bansa tulad ng Japan at talagang naging masaya ang kanilang mga ala-ala noon. Kaya lubos ang såkit na nararamdaman ni Murå. Nag-abot naman ng pakikiramay si Murå at si Virgelyncares ng kanilang pakikiramay sa mga naulilång pamilya ni Mahal.