Watch | Mystica, Sinisi ang Pagkawala ng Kanyang Ama kay Kris Aquino!

Local News

Matatandaan na kamakailan lamang ay nilabas ni Kris Aquino ang kanyang video na Tell-All kung saan sinabi niya ang lahat ng kanyang saloobin tungkol sa mga sinasabi ng mga tao sa kanyang mga anak, sa kanyang mga kapatid at sa kanyang mga magulang.
Nitong Marso 22 naman ay inupload ni Mystica sa kanyang Youtube channel ang video niya tungkol kay Kris Aquino.

“Ang kapal mo namang sabihing ang nanay at tatay mo ibinuwis ang buhay para sa Pilipinas. Hindi mo ba alam na kami ang nagbuwis ng buhay nung nandun kami sa Edsa,” galit na sinabi ni Mystica kay Kris Aquino sa kanyang video.

Sinisi niya sa mga magulang ni Kriz Aquino kung bakit pumanÃ¥w ang kanyang ama. “Kung hindi dahil sa pamilyang Aquino, hindi sana ako nawalan ng ama.”

Noong panahon din ng EDSA Revolution ay sinabi ni Mystica na nagtiis sila para lamang makasuporta sa ina ni Kris Aquino na si dating Pres. Cory Aquino, “Nagtiis kami. Sa init, sa gutom. Lahat lahat tiniis namin para lang kami ay makatulong at makasuporta sa nanay mo.”

Panoorin at narito ang buong video ni Mystica: