Watch | Nabisto ang Totoong Ugali ng Pamilya ni Ivana Alawi sa Kanyang New Car Prank

Local News

Sikat at kilala si Ivana Alawi sa Youtube dahil bukod sa maganda ang kanyang pang labas na anyo ay maganda din ang kalooban nito. marami na siyang natulungan na tao at isa siya sa mga inspirasyon ng ating mga kababayan dahil sa angking kabutihan nito. Sa ngayon ay mayroon na siyang 12.8 million subscribers sa kanyang Youtube channel.

Nitong Abril 18 ay inupload na sa Youtube channel ni Ivana Alawi ang pinamagatang “My New Car Prank! Galit Sila Sakin”. Sa content na ito ay matagumpay na nai-prank ni Ivana ang kanyang nakababatang kapatid na si Mona at ang kanyang ina na si Fatima.

Sa prank na ito ay sinabi niya sa kanyang pamilya na bumili siya ng sports car na nagkakahalaga ng 11.5 million. Sa tulong ng kanyang kaibigan ay pinahiram siya ng Lamborghini. Kasama din niya sa kanyang prank ang kapatin niya na si Hash.

Una nilang biktima ay si Mona Alawi. Ang reaksyon nito ay magkahalong masaya at malungkot. Sinabi niya na masaya siya para sa kanyang ate na si Ivana ngunit hindi ito ang tamang oras para bumili ng ganitong kamahal na sasakyan. Hindi din magandang investment ang sasakyan.

Ang huling biktima nila ay ang nanay nila na si Fatima Alawi. Nagalit siya kay Ivana at na-disappoint sa naging desisyon ng kanyang anak. Sinabi niya na marami pang mga tao ang pwedeng matulungan sa halagang 11.5 million. Mali din na bumili si Ivana ng mamahaling sasakyan sa panahon ngayon dahil maraming tao ang nahihirapan.

Nang kausapin ni Ivana ang kanyang ina ay pinayuhan siya ng kanyang ina na i-refund na lamang ang biniling sasakyan. Sa cellphone ay nagkausap ang ina at ang kasabwat ng aktres. Sinabi nito na i-rerefund na lamang ang biniling sasakyan ng kanyang anak ngunit ang sagot sa kanya ay 50% lamang ang maibabalik sa kanila.

Ikinagalit naman ito ng ina kaya sinabing ipapa-Tulfo niya ito dahil sa laki ng kabawasan ng kanilang ini-rerefund. Isang tagumpay na prank naman ito kay Ivana kaya nang ibisto na ng magkakapatid na prank lamang ito ay pinal0 siya ng kanyang ina at binatukån.

Nagtatatalon naman ang aktres nang maging matagumpay ang kanyang prank. Makikita sa video na ito na praktikal ang pamilya ni Ivana at maayos ang pagpapalaki sa kanila ng kanilang ina dahil iniisip nila ang hinaharap at ang mga tao na maaari pa nilang matulungan.