Watch | Raffy Tulfo, Todo ang Suporta sa Caterer na Balak Pang Kasuhan ng ‘Di Nagbayad na Customer!

Local News
Kilala si Raffy Tulfo bilang “Hari ng Public Service” dahil sa pagbibigay nito ng agarang aksyon para sa mga taong nangangailangan ng tulong. Marami na rin ang nabigyan ng tulong ni Idol Raffy, kabilang na dito ang mga taong may malubhang karamdamaman, mga taong [email protected] at mga taong lubos na nangangailan ng tulong.

Sa isang episode ng programang Raffy Tulfo in Acti0n, nakapanayam nito ang isang food supplier na kinilalang si Marjorie Abstas nang lumapit ito sa naturang programa. Inilapit niya kay Idol Raffy ang isang customer na nagngangalang Maria May Hofilena.

Sa unang naging panayam ni Idol Raffy sa customer ay nabanggit nitong maging sila ay kakasuhan si Marjorie dahil sa sinasabing pambabastos umano nito sa kanila sa social media.

Ngunit, pinayuhan ang customer ng kanyang abogado na huwag nang isa-ere kung ano ang ikakaso nito laban sa caterer. Dahil dito, pinaghahandaan na rin ni Tulfo ang tulong na ibibigay niya kay Marjorie.

Kukuha umano sila ng abogado mula sa Cebu na tututok sa kasong maaring isampa ng hindi nagbayad na customer kay Marjorie.

Pinayuhan din ni Idol Raffy si Marjorie base na rin sa kanilang legal team na huwag na umano itong pumayag na makipag-areglo sa customer. Pinaaalalahanan din niya si Marjorie na huwag nang mag-post sa social media ng anumang patungkol sa nasabing customer.

Narito ang video: