Zeinab Harake nanganak na ng cute baby girl, Congrats!

Local News

Marami pinagdaanan ang magkasintahang Zeinab Harake at Skusta Clee sa wakas ay nagbunga rin ang mga samahang akala nati’y wala nang pag-asa pa maituwid dahil sa sobrang lalaking problema at mga challenge sa kanilang relasyon ang pinagdaanan.

Matatandaang laman sila ng socmed nang magbatikusan ang dalawa at tanda-tanda pa ng netizens at lalo na ang mga fans ni Zeinab ang kanyang pinangako na hinding-hindi na niya babalikan si Skusta ngunit alam naman natin na ‘pag nagmamahal ka hindi mo ito susukuan hanggat may nakikita ka pang pag-asa sa taong mahal mo.

Gaya na lang ng ginawa ni Zeinab na halos lahat ng netizens ay sigurado na na hindi na magkakabalikan ang dalawa pero sa uli ay pinatawad pa rin ito ni Zeinab hindi dahil marupok ito kundi may nakikita pa siyang pag-asa na magbago ang lalaking pinakamamahal niya.

Sino ba tayo para humusga dahil kung may nakakakilala kay Skusta ay walang iba kundi si Zeinab kaya naman sa huli ay masaya silang dalawa at finally ay nagbunga na rin ang kanilang pagmamahalan at ngayon ay nanganak na si Zeinab.